Tuesday, April 12, 2011

OZINE'11 "Fail-formance"









..some shots taken; OZINE '11, SM Megamall, 04/09/11.



Kailangan kong maglabas ng sentimyento ukol sa event na 'to. Sarili ko lamang ang pinatatamaan ko dito, wala nang iba.

my "fail-formance", front and center. pagkatapos ng set, nanlumo ang buong banda. isa akong malaking NOOB.

una, due to (minor?)technical difficulties, delay simula ng set dahil walang kuryente sa extension wire ng stage equipment.

pangalawa, nagkabit ako ng bagong set ng kuwerdas sa gitara..na nagdulot ng pagiging sintunado ng instrumento.

sorry lang talaga bukam-bibig ko, pasensya na sa AcF. pati ang banda, nadadamay pagbagsak ko, sa kapalpakan ko.

'di nangyari yung inensayo. dapat nakinig ako kay Hao at Yaz na 'wag muna magpalit ng kuwerdas ng gitara pero for some odd reason wala ako sa matinong pag-iisip. Nu'ng day1 pa lang ng OZine, wala talaga ako sa wisyo. Adrenaline rush clouded my judgment perhaps. Nagkalat na nga sa set ng Gravitea Party, pati ba naman sa set ng AcF?!

Naiinis ako sa sarili ko nu'ng tingnan ko yung vocalist ng banda pagbaba n'ya sa entablado..blangko. Nanlulumo s'ya. Siguro nga..wala talaga akong talent sa musika. Sanay na s'yang katugtugan n'ya mga mahuhusay at "elitista" sa musika. Naiinis ako sa sarili ko 'pag naalala ko yung mga linyang yun..na hanggang ganito lang ba ang kaya ko? Pilit akong nagsasanay pero hamak pa rin akong gitarista. I don't think I'm even deserving to be called a guitarist.

Mas lalo akong nagalit sa sarili ko ng tumugtog na yung sumunod na banda kung sa'n kasapi din yung band leader ng AcF. Yung enerhiya madalas n'yang inilalabas kapag tumutugtog s'ya, biglang nawala. He felt really terrible about what happened. Yung panahon at pera na ginugol sa ensayo, parang balewala lang matapos mangyari yun. All thanks to my weakness. Never ko pang narinig sa kanya na "GREAT gig ACF!"..hanggang "GOOD gig AcF!" lang. Iyon naging layunin ko: na masabi n'ya namang GREAT ang performance ng banda kahit minsan. Pero 3 conventions na ang nagdaan, parang kulang pa rin ako. Malala pa nito, epic sablay ako sa pangatlo (OZINE'11). To begin with, it might have been a mistake in the first place that I got to play in the band. Mas pumanget ata tugtugan nung sumali ako sa halip na gumanda.

Going back..it was suppose to be just a social experiment. Frustrated na hindi na 'ko makatugtog sa church band ko nang dahil sa trabaho-kuno, nagbalak ako sumali sa isang jrock/anime band. Pinalad na makilala ang AcF at makatugtugan sila. 'Di na 'ko nagparamdam sa mga church/bandmates ko. Malamang kung magpakita ako sa kanila ngayon itatakwil nila ako. Hayun. Nagpagbigyan na makatugtugan ang AcF pero..Saglit lang dapat. One-Time-Big-Time lang dapat sana..sana. Isa o 2 gig lang. Hanggang sa kinalaunan, napag-isip-isip kong baka bumenta ako dito. Masaya sa banda nila. Marami akong nakilalang tao. Pero 'di ko nakamit yung layunin ko sa banda. Ang maging mahusay na sa musika, at mapaganda ang pakikisama ko sa kanila. Wala akong nakamit ni isa.

Ngayon, ilang araw mula nung Ozine'11, panay ang tanong ko sa sarili ko. Deserving pa ba akong tumugtog sa AcF? Ano na kayang iniisip nila tungkol sa 'kin? Gusto pa kaya nila akong katugtugan? Kung 'di na at ayaw na nila, may tatanggap pa kayang ibang banda sa 'kin gayong karamihan ng nakanood ng set e mga nasa anime/jrock bands din? Magkulong na lang kaya ulit ako sa kwarto at 'wag na'ng humarap sa ibang tao?

Dito lang ako mahusay..tumakbo at magtago. Kahit may trabaho na 'ko, pakiramdam ko 'di pa rin asensado ang buhay ko. Sisihin ko man ang walang kwenta kong trabaho (pagkakaalipin sa callcenter --- decent pay w/ health hazards), sarili ko pa rin ang dapat sisihin sa lahat, wala na'ng iba. Napabayaan ang sarili, mahina ang pangagatawan. Lahat na ng "bad genes" napunta na sa 'kin. Failure sa kolehiyo, failure sa pag-ibig. Sana tamaan na lang ako ng kulog nang matapos ang bangungot ng realidad ko.

Siguro..kung may isa man sa mga kabanda ko ang makabasa nito. Mag-iiba ang pananaw at pagkakakilanlan nila sa akin. Maaaring tatanggapin pa nila ako o malamang hindi na rin.

Lahat na lang 'ata..itinatakwil ako..lahat din tinatakwil ko..despicable me. "Somewhere I belong" is just a Linkin' Park song. No such place exists for me I guess.

Kung mababalikan ko lang sana at maitatama ang mali..

Pasensya na sa lahat.


Blogspot Templates by Isnaini Dot Com. Powered by Blogger and Supported by Urban Designs